Si Dr. Aprille Anne Maleficio, na kilala rin sa palayaw na "Pia," ay isang lisensyadong doktor at eksperto sa public health na may Master’s degree sa Public Management, major sa Health Systems and Development. Mayroon siyang malawak na karanasan sa kalusugang pampayanan matapos magsilbi bilang "Doctor to the Barrio" (Rural Health Physician) sa Loon, Bohol, sa ilalim ng Kagawaran ng Kalusugan. Pinagbuti pa ni Dr. Maleficio ang kanyang kaalaman sa psychiatry sa National Center for Mental Health, kung saan siya ay nagsilbi rin bilang Assistant Chief Resident noong 2024. Siya ay masugid na tagapagtaguyod ng mental health at nakatuon sa pagbibigay-serbisyo sa mga komunidad tungo sa isang "Mas Mentally Healthy Pilipinas".