Isang Gabay sa Sick Leave ng mga Empleyado sa Pilipinas

Ang mga sick leave ay isang napakahalagang pahinga para sa mga empleyadong Pilipino na masama ang pakiramdam. Dahil kailangan ng mga manggagawa na magpahinga upang lumakas muli, ang pagiging maalam sa mga kinakailangan at kung paano ito gagawin ay makatutulong sa kanila para mas mapakinabangan ang kanilang sick leave.

Sa Pilipinas, ang Labor Code ay may mga partikular na probisyon kung kailan maaaring gumamit ng sick leave ang isang empleyado at ang mga kaukulang karapatan o benepisyo nito. Ang artikulong ito ang gagabay sa iyo sa mga pangunahing kaalaman ukol sa sick leave sa Pilipinas at sa mga kinakilangang dokumento, gaya ng medical certificate fit to work.

Ilang Sick Leave ang Mayroon ang mga Empleyadong Pilipino?

Inaatasan ng Labor Code ng Pilipinas ang lahat ng employer na magkaloob sa kanilang mga empleyado ng limang (5) araw ng paid sick leave (pagliban na may bayad) bawat taon. Ang benepisyong ito ay maaaring gamitin sa anumang sakit o pinsala, kabilang ang mga sanhi ng aksidente, o para sa mga medikal at dental na konsultasyon.

Ang mga empleyado ay may karapatan sa sick leave kung hindi nila magagampanan ang kanilang mga tungkulin dahil sa sakit o pinsala. Ang isang medical certificate fit to work ay dapat ipakita sa employer bago o pagkatapos gamitin ng empleyado ang sick leave.

Mga Karapatan sa Sick Leave

Ang mga empleyadong pinagkalooban ng sick leave ay may karapatan sa buong suweldo habang sila ay naka-leave. Responsibilidad ng employer na bayaran ang suweldo ng empleyado sa panahon ng kanyang pagliban.

Bukod pa rito, ang mga employer ay inaatasan ding magbigay sa kanilang mga empleyado ng medikal na paggamot, mga gamot, at iba pang kinakailangang medikal na kagamitan habang naka-leave. Dapat ding i-reimburse ng mga employer sa mga empleyado ang anumang gastusin na kanilang binayaran habang sila ay naka-leave.

Mga Pagbabawal o Restriksyon sa Sick Leave

Gaya ng nabanggit na, ang mga empleyado ay may karapatan sa hanggang limang (5) araw na pagliban na may bayad bawat taon. Gayunpaman, maaaring limitahan ng mga employer ang bilang ng sick leave na maaaring gamitin ng isang empleyado sa isang partikular na taon hanggang sa tatlong (3) araw, sa kondisyon na ang restriksyong ito ay upang maiwasan ang pang-aabuso sa pag-leave.

Maaari ding iatas ng mga employer sa mga empleyado ang pagpapakita ng medical certificate fit to work upang patunayan na sila ay talagang may sakit at hindi kayang gampanan ang kanilang mga tungkulin.

Pinahihintulutan din ang mga employer na obligahin ang mga empleyado na magsumite ng ulat na nagdedetalye ng sakit o pinsala na naging dahilan ng kanilang pag-sick leave. Ang ulat na ito ay dapat isumite ng empleyado sa loob ng dalawang (2) araw mula sa pagsisimula ng leave.

Mga Kakailanganin Upang Makakuha ng Medical Certificate Fit to Work

Kapag nagpa-file ng sick leave, mahalagang ihanda ang mga kinakilangang dokumento. Kabilang dito ang:

  • Sulat o tala mula sa doktor (doctor's note) na nagpapakita ng diagnosis sa empleyado
  • Gaano katagal ang leave
  • Anumang inirerekomendang gamot

Bukod dito, ang empleyado ay dapat ding magkaroon ng opisyal na medical certificate fit to work na nagsasaad na ang empleyado ay hindi makakapagtrabaho dahil sa sakit.

Mga Lugar Kung Saan Makakakuha ng Medical Certificate sa Pilipinas

Ang pagkakaroon ng pangunahing kaalaman tungkol sa sick leave sa Pilipinas at ang pagkakaroon ng mga kinakilangang dokumento ay makatutulong upang masigurong mabibilang at mairerekord nang tama ang sick leave ng mga empleyado.

Pagdating sa pagkuha ng medical certificate fit to work, iba't ibang medikal na establisyimento sa Pilipinas ang nag-aalok ng ganitong serbisyo. Isa sa pinakamaaasahang healthcare provider upang makakuha ng medical certificate ay ang E-Konsulta Medical Clinic.

Kami ay isang online clinic na nagbibigay ng mga medical certificate para sa sick leave. Tinutulungan ng aming klinika ang mga pasyente na mag-book ng appointment online at makuha ang kanilang medical certificate sa mabilis na panahon.

Medical Certificate sa E-Konsulta Medical Clinic

Bukod sa pagbibigay ng mga serbisyong telehealth, nagkakaloob din ang E-Konsulta Medical Clinic ng mga medical certificate sa aming mga pasyente. Ang serbisyong ito ay accessible sa pamamagitan ng aming online platform, kung saan ang mga pasyente ay maaaring makipag-usap sa aming doktor at makatanggap ng mga payo at rekomendasyon sa paggamot.

Naghahandog kami ng madaling online booking, mabilis na pagproseso ng mga medical certificate, at experienced medical team. Dahil dito, makasisiguro ang aming mga pasyente na ang kanilang mga medical certificate ay tama at tatanggapin ng kanilang mga employer.

Iba Pang Serbisyo na Iniaalok sa E-Konsulta Medical Clinic

Ang aming klinika ay mayroong iba't ibang serbisyo, mula sa mga pangkalahatang pisikal na check-up hanggang sa mga espesyalistang medikal na konsultasyon. Ang aming mga lisensyadong doktor ay nagsasagawa ng mga pangkalahatang pisikal na check-up at panimulang health screening.

Tinitignan din ng aming mga doktor ang mga vital sign, gaya ng tibok ng puso at temperatura ng katawan, at maaari ding magrekomenda ng mga pagbabago sa pamumuhay upang masiguro ang kalusugan at kagalingan ng aming pasyente. Mayroon din kaming mga espesyalistang medikal na konsultasyon tulad ng Otorhinolaryngology (ikalubhasan sa Tenga, Ilong, at Lalamunan o ENT), Head and Neck Surgery, Urology (espesyalista sa sistema ng ihi), at Ob-Gynecology (espesyalista sa kalusugan ng kababaihan).

Kami sa E-Konsulta Medical Clinic ay nauunawaan ang kahalagahan ng pagbibigay ng dekalidad na pangangalagang pangkalusugan sa magaang paraan. Iyan ang dahilan kung bakit binuo namin itong online medical consultation na nagbibigay-daan sa aming mga pasyente na ma-access ang medikal na paggamot kahit nasaan man sila.

Kami ang solusyon para sa mga indibidwal na naghahanap ng maginhawa at dekalidad na pangangalagang pangkalusugan. Kung naghahanap ka ng serbisyong medikal na parehong praktikal at abot-kaya, mag-iskedyul at magtakda na ng appointment ngayon!